.:*:.From a Tiger, With Love.:*:.
Posted by Gia at 12:34 AM on November 15, 2009 in Snippets of my Memories.

I died after reading this on my Facebook wall.(written on November 12,2009)
Hahahaha!
'nuff said. The picture says it all.
Lots of love♥,
.:*:.Alaala.:*:.
Posted by Gia at 05:13 PM on November 12, 2009.
Nagsabi na sakin kagabi ang mga kaibigan ko kung ano yung matagal na nilang pinaguusapan tungkol sa isang babae na nakita nila sa carpark ng unibersidad. Palagi nilang pinaguusapan 'yun tuwing madadaanan namin ang carpark. Pero hindi ako nagtatanong kasi hindi ko naman alam kung ano ang tinutukoy nila--isa pa, hindi ako interesado.
Ako pala 'yun. At nagulat ako sa sinabi nila.
Nakita daw nila kami ni Francis isang araw sa carpark. Hapon na noon at pauwi na sila. Hindi nila kami sinasadyang makita. Sinutsutan daw kasi sila ni Francis na noon ay abot tenga ang ngiti. Nakatayo siya sa tabi ng kanyang pulang kotse. Akala nila ay mag-isa itong uuwi ngunit ikinagulat nila nang makita nila akong lumabas sa kinatataguan kong poste, masaya at tumatawang katulad ni Francis.
Para sa inyo, hindi ito isang bagay na ikakagulat. Ngunit para sa akin, natuwa ako sa nalaman ko. Una, hindi ko na kasi maalala ang nangyari. Hindi ko alam na nagtatago pa pala ako noon samantalang amoy na amoy na nila ang relasyon namin. Pangalawa, hindi ko na lubos maisip na ganoon kami kasaya ni Francis noon. Sa sobra naming dami ng hindi pagkakaintindihan, tila nakalimutan ko na ang masasaya naming pagsasama.
Kaya ng marinig ko iyon sa kanila, natuwa ako. Dahil ngayon, naisip ko, kapag naaalala ko si Francis, hindi dapat ako nalulungkot sa kung ano man ang kinahinatnan namin. Kailangan alalahanin ko na sa mga araw na magkasama kami, masayang masaya ako--hindi lang ako, kaming dalwa.
Napaisip ako ulit. Maganda din palang hayaan mo ang ibang mga tao makasaksi sa mga espesyal na pangyayari sa iyong buhay. Sa ganitong paraan, mananatiling totoo ang alaala.
Dahil kapag ikaw ang nagtago ng alaalang ito, maaari itong mabahiran ng pagkamuhing maaaring maramdaman mo sa hinaharap, dahilan ng pagsasapaw at pagkawala ng alaala.
Kuha ito sa journal entry ko: "Commit special moments of your life into someone else's memory. It will keep you from corrupting it."
Lots of love♥,