.:*:.Success is the best revenge.:*:.
Posted by Gia at 08:54 PM on October 16, 2006 in as a private post.
So far, ok naman tong araw na toh. Pero, haayy. Kwento ko na lang.
1st part: morning. flag ceremony. school quadrangle.
Hehehe. Wala lang. I love mondays!! 
2nd part: after recess. social studies. bethel classroom.
Ito. Pinakamatinding parte ng araw ko. Kasi, may UN Celebration kami sa October 25. Tapos, Jamaica ung country namin. Gusto ng certain classmate ko, ung friend niya or siya maging representative ng klase at maging "Ms. Jamaica". So, aun. Then, inannounce ng teacher namin na ako (?!!?) magrerepresent ng klase namin. Itong certain classmate ko, react kaagad. Sabi niya botohan na lang daw. Ayaw niya kasi na ako maging representative. Sa totoo lang, alam ko na magiging ganun na reaction niya. Ganun naman siya lagi eh. Pati nung nagmuse ako sa claret. Lam ko ung mga cnabi niya tungkol sakin.
So, aun. Nagreact nga siya. Tapos, nakita ko siya, nakasimangot at may sinasabi sa iba naming kaklase na mga kaibigan ko. Tapos, aun. By that time, naiyak na ko. Sabi ko kay ms, wag na lang. Tapos, mangiyak-ngiyak na talaga ako nun. Although, sa iba ko namang kaklase, ok lang yata, gusto nila ko, pero, un nga. Ung certain classmate ko, ayaw. Di ko lang alam kung ung iba ayaw din. 
So, ayun. Cinocomfort na ko ng iba kong kaklase kasi tutulo na talaga luha ko. Tapos, nung nakita ko ni ms, sabi niya, you really can't please everybody daw. tapos, hayaan ko na lang ung iba. kasi ganun talaga. basta parang ganun ung cnabi niya, di ko na masyado naintindihan ung iba kasi talagang mangiyak-ngiyak na ko. sa totoo lang, gusto ko tong teacher na toh kasi naiintindihan niya ung students niya. hindi siya ung parang nagbubulag-bulagan sa nangyayari. alam niya ung sitwasyon, tapos nagbigay pa ng advice. sobrang gumaan din loob ko dun.
tapos, aun, mamaya, sabi niya sa klase, kelangan daw suportahan namin ang isa't isa. magkakaklase daw kami. tapos, UNITED nations. dapat nga daw united. Hehe. Tapos, ayun. Sabi rin ni ms, inexplain na daw niya dati ung criteria. Tapos, ako daw (?!!?) nagfifit talaga sa criteria na un. So, ayun nga.
Naano talaga ako dun sa certain classmate ko. Ewan ko ba. Di ko alam kung naaasar siya sakin, nagagalit, or ewan. Pero, ewan ko lang. Parang pinapansin niya ko eh. Di ko alam kung naguilty siya sa ginawa niya. Onga pala, ito pala ung mga sinabi daw niya sa mga kaibigan ko nung inannounce na ako magrerepresent. (sabi lang toh ng mga kaibigan ko sakin) "Anong talent? Anong talent?". Pinaulit-ulit daw niya yan. Parang pinapalabas niya na wala akong talent. Sa bagay, totoo nga naman. Haaayy.
Masaya rin ako, kasi ung mga kaibigan ko, pinagtanggol nila ko. Cinomfort nila ko. Inassure nila ako na kaya ako napili kasi karapat-dapat (??!?!!?!!!) ako. Lam mo un. Parang ung insecurities ko, nawala. Nalaman ko pa na talagang true friends sila. Haay. Sobrang nakakatouch. Hehe. Pinagtanggol nila ko sa kaklase kong iyon na maimpluwensiya. Sobrang grateful talaga ako dahil may mga kaibigan akong tulad nila. Haaay. Talagang andyan cla para sakin.
So, sige. Tama na ang drama. Hehehe.
3rd part: afternoon. club time. sagrada familia classroom. dulaang salamisim.
Again: I study in an exclusive school for girls.
May presentation kami sa UN. Miss Saigon pa rin, pero di na ung buong play. Isang kanta lang ata.
Merong 5 main characters. Tapos, ung natitirang iba, kalahati dancers, kalahati soldiers. Soldier ako. Ayoko magskirt at sumayaw eh. Hahaha. Kakahiya. At may isa pang matinding rason kung bakit ako nagsundalo. 
So, again. Masaya lang talaga siya. Masaya lang talaga siya. MASAYA. SOBRANG SAYA. Wahahaha. Haaayyyy. Haaaayyyy. Basta may connection sa crush ko.

Sige. Un lang muna. Baka di na muna ako masyado makaupdate ng blog ko this week at next week. Masyado kasi marami gagawin eh. Exams na namin sa wednesday hanggang saturday. Tapos, practice para sa play namin sa saturday after exams. Sa monday practice din after classes hanggang gabi. Sa tuesday, since walang pasok, halos buong araw na rin. Wahaha. Pero, ok lang.
 Lam niyo na siguro kung bakit diba?
Kaclub ko crush ko. Un na. Hahaha. So, un lang.
Paalam muna!
Lots of love♥,

to leave a comment, click this -->> 14 woke up.
Yanella (guest)

gianinna07

kuleyt

gianinna07

pen (guest)

gianinna07

Rachel (guest)

gianinna07

nicole (guest)

gianinna07

ethel (guest)

Good luck sa exam!
gianinna07

queenvalerie (guest)
gianinna07
