Entries for August, 2006
.:*:.thanks.:*:.
Posted by Gia at 09:39 PM on August 3, 2006 as a private post.
thanks to my wonderful dad, i wasn't able to attend the second interview...
UUURRRRGGGGGGGGGGHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
better try again next year.. wahh! isang taon pa.
wahh!!! :"(
Lots of love♥,
.:*:.yael.mong.zac.:*:.
Posted by Gia at 09:03 PM on August 4, 2006 as a private post.
Kanina sa school, langya yan.. naglakad kami, galing sa school, papuntang kalayaan, qc circle, at pabalik sa school!!! walanghiya iyan!!! gumawa kami ng eksena sa kalsada! nagtrapik sa may circle.. NAKAKAHIYA!!! bwahaha..
tapos, sa school..pagbalik namin..nanood kami ng high school musical!! first time ko mpanood!?! wahaha.. ANG GWAPO NI ZAC EFRON!!!!! ANG GALING KUMANTA, SUMAYAW, at MAGBASKETBALL(kung totoo nga.. bwahaha.. sana nga totoong magaling siya magbasketball).. YOUNGER VERSION siya ni YAEL!! bwahaha..hayy..
AHLABYOUYAEL! AHLABYOUZAC! AHLABYOUMONG!
hayy. buhay.
Lots of love♥,
.:*:.Sponge Cola Pics.:*:.
Posted by Gia at 02:35 PM on August 6, 2006 in Sponge Cola as a private post.
Mga ginawa ko sa Adobe Photoshop.. click niyo para makita niyo ung original size.. (actually..hindi orig size..kasi sa photobucket eh.. punta kau sa multiply ko..andun lahat ng yan..) 
Click for the photos!


Lots of love♥,
.:*:.Awwww...:*:.
Posted by Gia at 06:40 PM on August 8, 2006 as a private post.
Last Sunday evening, we (my parents, my sister and i) were in Katipunan, since my parents were looking for something na hindi ko alam kung ano. It was a rainy evening. Then, we stopped infront of a bank, and that bank was infront of Ateneo(btw, congrats blue eagles! ahlabyoujai!). Anyway, binaba ng mom ko ung bintana kasi parang may tinitingnan siya. Tapos, may dalawang bata. Pulubi. As in bata! One was a girl, the other was a boy. Ung boy siguro mga 7-9 years old. He was chubby. Ang cute! Haha. Tapos, ung girl, siguro mga 4-6 years old.
Ung batang lalaki, inapproach ung mom ko, sabi niya "magpapark po kayo? hindi na po kasya eh. ay. sandali lang po". Sabi ng mom ko, hindi kami magpapark. Tapos, bumalik ung bata. Nanlimos. Binigyan ng parents ko ng barya. Tapos, ayun. Pero, hindi pa kami umalis kasi hindi pa yata nakikita ng parents ko ung hinahanap nila eh.
Tapos, may isang kotseng nakapark dun, tapos, paalis na yata. Sabi nung bata sa parents ko, "ayan po, o. sandali lang po". Pero, hindi nga kami magpapark. And nakita na rin ng parents ko ung hinahanap nila. Umalis na kami.
Anyway, naawa lang ako sa bata. Wala lang. Nakakaawa talaga eh. Umuulan nun, tapos, ayun silang dalawa, naghahanap ng pera. Asan ung mga magulang nila?! Bakit sila pinabayaan?! Ung bata, napakagalang pa. Ang bait magsalita tapos, nag-po-"po" pa. Napakagalang na bata.
Nakakaawa talaga. Likas akong maawain eh. Hehe. Pero, seryoso. Naawa talaga ako sa bata. And, parang nakakaguilty kasi, parang ayun na siya. Nakita ko. Wala man lang akong nagawa para matulungan siya. Walang kwenta ung barya. Hay naku. Tapos, ung perang binigay namin, ibibigay lang niya sa magulang niya. At ipambibili nila ung ng sigarilyo. Sus ko po!!
Arroyo, instead of thinking of ways on how to prolong your presidency, asikasuhin mo muna ung mga streetchildren!!!! Langya ka!!
Lots of love♥,
.:*:.Who am i?.:*:.
Posted by Gia at 09:06 PM on August 9, 2006 as a private post.
Sino ako? Sino ako para sayo? Sino ako sa buhay mo? Ano ako sa buhay mo?
Friend, Bestfriend, Good friend, Worst Enemy, Friend of your bestfriend, Friend of your friend, just a classmate, just a schoolmate, etc.. bahala ka na sa buhay mo..basta magreply ka dito! Game! =)
Who am i to you? Ano ako sa buhay mo?
If you want to, you could e-mail me.. at least walang witness sa pang-aaway mo sakin..hehehe..jke lng..
angel_gia120@yahoo.com
Lots of love♥,
.:*:.Sponge Cola - sumosobra na sa publicity!.:*:.
Posted by Gia at 06:36 PM on August 11, 2006 in Sponge Cola as a private post.
Grabe. Proud na proud talaga akong maging isang Sponge Cola fan.
*1st - Billboard!
May billboard ang Sponge Cola!! Unfortunately, hindi ko pa nakikita yun. =( Sana makita ko na!!!
*2nd - TV Guesting
Si kuya Yael! Guest sa Let's Go. Ok, kapuso ako, pero pag laging ganyan, pag laging guest ang Sponge Cola sa ABS, naku, baka maging kapamilya na rin ako. Haha.
*3rd - Radio Interview
Ininterview si kuya Yael nung isang araw. Sa LS. Langya, hindi ko napakinggan!!!! =(
*4th - Magazines
Ang raming mag features ng Sponge! Wahh!!
--------------------------------------------------------------------------------------
un lang muna..wala na ko maisip eh..pero, grabe..sana makita ko na ung billboard! sana makapanood ako ng let's go! sana makahanap ako ng taong nirecord ung interbyu!
Oo nga pala, inannounce ni kuya jed sa mailing list na may chat with sponge cola on sunday! sa ym un. sana makasali ako!! wahh!! sali kayo!!
hehe..add niyo ko sa ym!
angel_gia120 =)
p.s. pag inadd niyo ko sa ym, wag na wag na wag na wag niyo akong ibubuzz!!! pag inadd niyo ko, tapos gusto niyo kong kausapin.. mag-hi kayo at wag buzz!! kasi nakakaasar eh.. tapos..pag nag-hi kayo..sabihin niyo kung pano niyo nakuha ung id ko..tapos, kung fan ka ng sponge, minder ka, callalista ka, haler ka, etc.. pag ndi kita pinansin, ibig sabihin busy ako, next tym na lng.. =) hehehe..cge..
Lots of love♥,
.:*:.how long?.:*:.
Posted by Gia at 08:57 PM on August 11, 2006 as a private post.
ito listahan ng mga naging crush ko.. at kung gaano katagal ko silang naging crush..
*Jabo (aba'y malay ko ba?! kinder pa un eh)
*Paolo (antagal na nun..ndi ko na maalala!!)
*Angelo - mga isang linggo? hahaha
*6 (ayokong banggitin ang pangalan dahil nakakabwisit..ahahaha) - mga.. a little less than a year?! bwahahaha..
*joseph (hahaha..soiree partner ko! ay sh*t nabibwisit ako sa sarili ko!! ang gago ko talaga!) - mga a little less than a month.. haha
*33 (hiya akong sabihin ang pangalan eh..kahit naman alam niya..hahaha) - more or less a month.. hehe
ito naman, ang mga crush ko ngaun!
*YSMAEL YRASTORZA YUZON - mga SEVEN MONTHS =)
*MONG ALCARAZ - mga more or less a month..
*ZACHARY ALEXANDER EFRON - exactly a week ngaun..hahaha..
*JAI REYES - mga a week din..bwahahaha..
*KEAN CIPRIANO - mga a little more than a week..bwahahaha!!!
Lots of love♥,
.:*:.wishlist..haha.:*:.
Posted by Gia at 04:04 PM on August 12, 2006 in Sponge Cola, OPM (besides Sponge Cola) as a private post.
Ang rami ko kasing gusto sa buhay eh..kaya..naisipan kong gumawa ng wishlist.. haha..hay naku..
*Mga Album!!
-Beautiful Machines - Pupil
-Fragmented - UdD
-ung sa Chicosci
-Destination X,Y,Z - Callalily
-Transit - Sponge Cola's sophomore album!! Release na sa Sept. 11!! Tapos, album launch on Sept. 8 sa Metrowalk Ortigas!! For more info, punta kayo sa http://groups.yahoo.com/group/sponge_cola .. =)
-ung tribute sa Apo (andyan sponge eh..)
-ung sa Imago
-Maharot - Kamikazee
Ibang Gamit
-Electric Guitar!
-Drum set
-Boombox
-My own laptop..=)
-Ung mga napapanood ko sa Shopping Network..haha.. pero, astig ung GeMagic ah?! hehe
-PDA
-My own car..=p haha
-My own digicam.. (sa nanay ko ung ginagamit ko eh.. tapos, ung videocam ko nakakaasar..)
-CD ng High School Musical!
Lots of love♥,
.:*:.Let's Go!!!!!!.:*:.
Posted by Gia at 07:03 PM on August 12, 2006 in Sponge Cola as a private post.
I'm a Kapuso, pero, grabe, HANEP ANG EPISODE NG "LET'S GO" KANINA!
Yael, HANEP KA!!
-magaling kumanta!
-magaling maggitara!
-magaling magdrums!
-matalino!
-magaling sumulat ng kanta!
-magaling pagdating sa public speaking!
-magaling mag-acting!
-MABAIT!
-may sense of humor!
-humble!
-gwapo!!!
-magaling magbasketball!!
-magaling mag-english!
-he's a great writer!! hindi lang pagdating sa song writing! 
Kaya ako na-inlab sayo eh.. haha..
GO YAEL!! Go SPONGE COLA!!!
ILABYOU!!!
Lots of love♥,
.:*:.Chat nung August 13, etc...:*:.
Posted by Gia at 05:23 PM on August 17, 2006 in Sponge Cola, OPM (besides Sponge Cola) as a private post.
Incase magkaroon na naman ng chat.. Meron akong sarili kong version ng mIRC How To's..hehehe..
Nandito sa post na ito ung dates ng releases, launching, etc..
Click this to see the post. Mahaba-haba rin kasi siya eh. Heheh.
Lots of love♥,
.:*:.mIRC chat yesterday!.:*:.
Posted by Gia at 03:02 PM on August 20, 2006 in Sponge Cola as a private post.
ANG SAYA SAYA!!! Grabe. Sana nga talaga weekly na ito. Kahit hindi masyadong nakapagpost si kuya Yael and hindi nakasali ang iba pang members ng Sponge, astig pa rin. Ayos. Gusto ko sanang i-paste dito ung mismong chat eh. As in ung mga pinag-usapan eh. Kaya lang, since hindi ko mahighlight lahat (ewan ko sa irc kung bakit), hindi ko macocopy lahat, since hindi ko macopy lahat, hindi ko mapapaste lahat. Ehehe.
Sorry, pero hindi ko na talaga maalala lahat eh. Hindi ko na maalala ang pagkakasunod-sunod. Nakakabrainwash din pala ang 12 HOURS STRAIGHT na nasa harap ng computer. Hay, kung hindi pa navirus itong computer, baka naging 15 hours pa un. Haha. Sayang nga, eh. May contest kasi, matira matibay. TALO AKO. =( Haha. Sayang. Pero, ok lang.
Sila yung mga nakilala kong bagong kaibigan: Erin, Kay, Ate Kryz, Ate Pau, Kuya Robert, Ate Onang, Sharmaine, Ate Karla, Ate Althea, Ate Belle, Saba, Ate Joesyl, Trish, Liezhelle (thanks sa pagturo tungkol sa color ah?) at alam ko meron pa eh!! Ulyanin ako. Sensya na po! Haha.
So, ito. Sinabi ko kay kuya Yael na pumunta sa fair ng Holy Family. Tinanong niya kung kailan. Sabi ko December pa. Tinanong niya kung may banda. Sabi ko, baka. Sasabihin ko pa sa Student Council. Kaya, ano ba?! DAPAT MAY CONCERT SA FAIR NATIN, AH?!! hahaha.
Naalala ko tuloy ung mga post ko dati. Ung nakachat ko ung mga MINDERS at CALLALISTAS, tapos, wish ko sana makachat ko rin ang mga SPONGE COLA FANS. Natupad na ang wish ko!! Hayy. Ang saya talaga!! Sana, susunod Halers naman. Haler din naman ako kahit papaano eh. =)
Hayy. Ang saya talaga. Sayang talaga. Kung pwede lang masave sana un eh. Kung mabasa niyo un, TATAWA RIN KAYO. Hahaha. Mga 7 hours ung chat na iyon. Ang saya talaga!
Sa mga nagsasabing masungit si kuya JED, hindi siya masungit!! Ang bait niya! Ang saya. Ang galing niya mangtrip!! hahaha. Nakakatuwa!
And, speaking of kuya Jed, lam niyo ba, may tumawag kay kuya Jed na PAPA JED?? Hehehe.
Ito pa, may nagsabing maraming naaasar kay kuya Jed. Anong sabi ni kuya Jed?
"Wala akong pakialam sa mga naaasar sakin dahil hindi ko naman sila kilala. Haha."
Marami pa eh!! Ang saya talaga!!
May nabanggit si kuya Jed tungkol kay Cammy. Tinanong namin kung sino. Sabi niya, "Siguro girlfriend ko". May nagsabi, bakit daw hindi siya sigurado. Sabi ni kuya Jed, "Kasi nahuli niya ko nung isang araw na nakikipagdate eh." Hahaha! Pero, sabi ni kuya Jed, ito mukhang seryoso na. "Kasi, sabi ko hindi pa ko ready na magcommit."
Ayun, mamaya-maya. Sabi niya samin, "Uy wag kayong maingay kasi may papasok." Sabi namin si Cammy?? Tapos, aun. Pumasok na si Cammy. Kaya lang, ang gulo namin. As in ang ingay namin. Kaya, ayun, umalis si Ate Cammy. Nagalit si kuya Jed. Sorry kami ng sorry. As in talagang sorry ng sorry. Gumawa pa nga kami ng parang "prayer meeting" eh! Hahaha! As in talagang nakakatawa!! Pero, talagang sorry na kami ng sorry. Pray kami ng pray. At kung anu-ano nang pinagsasasabi namin.
Si kuya Yael kasi, labas-pasok sa chatroom. Tapos, natawa daw siya sa ginagawa namin! Haha! Tapos, as in mga more or less 1 hour na ang nakalipas since nagalit si kuya Jed, may nagtanong kay kuya Yael kung asan na si kuya Jed. Sabi ni yael, kausap pa daw si Cammy sa phone. Tinanong ko kung galit din ba si ate Cammy samin. Sabi ni kuya Yael, hindi naman daw siguro, kasi mabait un. Si kuya Jed lang daw ang galit. Ayun. Pray na naman kami. Hahaha.
Tapos, hindi na nagpopost sila kuya Yael at kuya Jed. Kami-kaming listers na lang ang naguusap. SOBRANG SAYA TALAGA!! Ang hirap ma-explain! At pag kinwento ko pa lahat, baka abutin ako ng isang dekada dito! hahaha. Kaya, pag nagchat uli. Sali kayo!! =) Masaya talaga! 
Un lang. Thanks sa mga kasali sa chat dahil ang saya talaga!!! =)
Kita-kits tayo sa gigs! (kung makapunta ko) Kitakits tayo sa Album Launch!! Isama daw ang buong pamilya!! =)
Lots of love♥,
.:*:.Sponge Cola UPDATES...:*:.
Posted by Gia at 03:11 PM on August 20, 2006 in Sponge Cola as a private post.
Posts nila kuya Jed and kuya Rayms regarding sa mIRC (kuya Jed's How To..) and lahat ng updates you need to know from Sponge Cola's manager himself, kuya Rayms. Hehehe.
Click this to see this post. Mahaba kasi masyado eh.
Lots of love♥,
.:*:.Happy birthday 'kuya' mong!!.:*:.
Posted by Gia at 11:27 PM on August 23, 2006 in OPM (besides Sponge Cola) as a private post.
Ngaung araw ung pinakahihintay ko. Radio release ng "Bitiw". 7am kaninang umaga. Nasa schoolbus ako nun. Nakikinig kami ng radio. LS, syempre. Tapos, sabi ng dj, ipaplay na daw nila ung sa Sponge, pero, pinlay muna nila ung "oo". Ayun, eh malapit na kami sa school nung time na un!! Hindi ko napakinggan kasi anraming commercials. Nagmadali pa kong umakyat sa classroom para sana gamitin ung radyo namin. AYAW GUMANA!!?! hmph..langya..
Onga pala, nagpunta ko sa Candy Blog. Nakita ko ung entry ni Ms. Macy. Birthday daw ng kuya niya! (astig yang entry na yan! tingnan niyo! click niyo yang link sa taas) And, sinong kuya niya?! Si MONG ALCARAZ!! Birthday pala niya ngayon?!! Grabe. Nagulat ako dun. Hahaha. Happy Birthday po!! (weh? para namang mababasa niya toh)
Tapos, nakalagay sa stat ko un. Eh, ung close friend ko, si isay, may pagka-related kela kuya mong. Ung sa mga in-laws. Ganun. Tapos, sabi ni isay, kumuha na daw ako ng bagay na gusto kong ipasign. Kausap daw ng mama niya ung tita niya(na related nga kela kuya mong). Eh kasi, stat niya "be right back", pero matigas ang ulo ko at nagmessage ako na birthday ni kuya mong. So, yun. Nabasa ata ng mom niya. 
THANK YOU ISABEL!!!!!
Ansaya ng araw ko. Kahit na malungkot. Masaya pa rin. Kahit na malungkot pa rin dahil sa langyang radyo na yan. Dapat inuna muna ung Bitiw bago sa Oo. Gusto ko rin ung Oo, pero, hello?! Lagi ko nang naririnig yan. Hayy. Sige. Un lang.
Lots of love♥,
.:*:.Bitiw!! At long last!.:*:.
Posted by Gia at 10:10 PM on August 24, 2006 in Review, Sponge Cola as a private post.
AFter days of waiting, narinig ko na rin sa wakas ang BITIW!!!! Nakinig ako sa radyo ng cell ko. Inaabangan ko sa LS. Nag-request pa nga ako eh. Nabasa ung sinend ko, pero ung shout-out lang. Hindi ung mismong "request". Hmph. Tapos, ayun. Papalit-palit ako ng station. Mamaya-maya-maya, nilipat ko sa 99.5 RT. Tapos, nung narinig ko ung kanta, nagkafeeling ako na un na un. Ewan ko kung paano nangyari, pero talagang hindi ko nilipat sa ibang station. Para bang nagkusa akong pakinggan. Tapos, ayun. Nalaman ko na bitiw un dahil sa isang part. Napakinggan ko na ung part na un dati eh, kasi ung sa myx peeks, ung sa making ng video. Ansaya!! Ang ganda. Iba talaga ung tunog niya sa mga kanta ng sponge cola sa palabas. Ang astig talaga. Thank God at napakinggan ko na rin sa wakas!! =)
I love RT!!! Wahh. Sa RT na ko palagi makikinig. Hindi naman pinaplay ng LS eh. =( Anyway, nabalitaan ko na nagdebut ang "Bitiw" sa #2 spot sa RT countdown ah?! Ansaya!! Vote lang ng vote!! Sobrang dali lang bumoto!! Hindi na kailan ng load. Kung may ym ka, yun lang un!! 
"all you guys have to do is send a message to "rt995fm" using yahoo messenger. just tell them you're voting for Bitiw by Sponge Cola and you're done." - from kuya Jed's group message
GRABE!! I can't wait for the video!!!
PUPUNTA TALAGA AKO SA ALBUM LAUNCH!! Magmamakaawa ako!!!!
Matataas naman grades ko eh. Sana naman pumunta kami. =(
Ayy.. Hindi ko pa pala tapos homework ko sa langyang TLE yan.. hmph..kaasar nman kasi eh.. uurgghh..
Lots of love♥,
.:*:.Updates..:*:.
Posted by Gia at 02:36 PM on August 27, 2006 in Sponge Cola as a private post.
[edit]
hindi na ako ang mageemcee!!! yey!! anhirap naman kasi kung ako pa eh.. anrami ko pang ginagawa sa school.. hehehe..wala na kong poproblemahin!!! salamat naman!!! 
[/edit]
5 days to go 'til the debut. 
Kung ndi kau nagbabasa ng multiply ko, ito na.. mag-eemcee ako sa debut ng pinsan ko. ok, may susuotin na ko.. PERO, ndi ko pa nagagawa ung mga sasabihin ko!!!
ibang klase ako noh?? hahaha..
kinakabahan talga ako.. patay ako.. 
FOUR TIMES ko na naririnig ung BITIW!! 
2 times sa RT, 2 times sa LS.. hehe.. astig!!
LS used to be my favorite station, pero ngaun.. parang mas gusto ko na ang Ripe Tomatoes!! Astig!!!
BUKAS na ang labas ng VIDEO ng BITIW!! 
sa sobrang pagkaexcited ko, muntik ko nang makalimutan na bukas rin ang wedding anniversary ng parents ko.. napakabait na anak, noh?
ndi nakalimutan ung date ng releases, pero anniversary, nakalimutan.. 
hahaha. napakabait na anak.
cge.. un lang..
nakuha ko na ung results ng exams.. ayos!!
sana talaga makapunta ko sa album launch on september 8, 7pm sa Metrowalk, Ortigas!!
hehehe.. 
~~gia~~
Lots of love♥,
.:*:.DEAD-O.:*:.
Posted by Gia at 10:37 PM on August 28, 2006 as a private post.
Uhm.. balak ko sanang ibahin ung layout nitong site eh..
Kaya lang..anrami ko pang gagawin..
ok, ito ung MGA DAPAT KONG GAWIN NA..
*Homework sa Computer - due on wednesday
*Homework sa TLE - due on thursday
*Homework sa Social - due on Thursday
*ung sa singkil (actually, ndi ko naman kailangan "gawin"..pero ito ung mga mangyayari this week..hahaha) presentation namin sa celebration ng buwan ng wika - sa wednesday na toh, pare..
ayy..wait..pare, antanga ko..

every wednesday kaming nagcocomputer, and bukas(tuesday), and sa wednesday, wala kaming classes!! bukas kasi ung general rehearsal, sa wednesday mismong celebration..
YEAH BOY!!! hahaha..
pero, ung sa iba pa...
may classes sa thursday noh?!! 
kailangan ko na gawin ung iba kesa magipon-ipon at mapuno ako ng mga gagawin.. 
diba?
kaya ndi ko magawa-gawa yang mga yan kasi..
INTERNET NG INTERNET..

kaya, BYE na.. hahaha..gawin ko na ung iba.. 
ayy..wait!! ito pa pala.. kung may suggestions kayo regarding sa new layout ng site ko, or meron kayong mga features o kung anuman na gusto niyong makita sa site ko, click this. Thanks. I'd really appreciate your comments/suggestions. 
ciao! :p
sana makapunta ko sa album launch.. 
~~gia~~
Lots of love♥,
.:*:.Hmm...:*:.
Posted by Gia at 07:14 PM on August 31, 2006 in Sponge Cola as a private post.
updates.
1.) hindi na ako ang mageemcee sa debut!! yehey!!!

-that's a good thing kasi wala na kong poproblemahin.. 
2.) no classes on monday!!
kumakalat ang dengue sa may vicinity ng school.. although wala pa naman daw mosquitoes na carrier ng dengue sa school, magspaspray na sila.. fumigation ba tawag dun? hahaha.. tapos un.. kaya walang pasok sa monday kasi para maalis daw muna ung chemicals..yehey!!
3.) eastwood mamaya..
may gig ang sponge mamaya dun.. just hope wala nang mangyaring hahadlang sa muli naming pagkikita ng aking mahal.. hahaha!!! joke lang!!
pero, sana talaga tuloy na toh!!! 1st tym ko clang makikita after 3 months!!!!
4.) babaguhin ko na ung layout siguro sa sunday pa..kasi saturday, wala nga kami.. overnight kasi ung debut.. pero, baka makauwi nman kami ng maaga.. 
5.) yesterday was our department's celebration of buwan ng wika. ansaya!!! 
akala namin, magkakalat kami sa sayaw namin. kasi, talagang ang gulo! ung sa kabilang sections ang gaganda na, kami ndi pa tapos ung steps!! pero, grabe talaga.. kami nanalo sa batch namin!! section namin nanalo!! ndi ako makapaniwala!! kasi, talagang natataranta na kami sa pagbuo ng steps, ang gulo namin!! praying really helped a lot. thanks God. 
--un lang muna--
napanood ko na ung video ng bitiw!! ang ganda!! vote for it sa myx!!!
Myx Vote Bitiw and send to 2366.. 
sana matuloy mamaya sa eastwood. at sana makapunta ko sa album launch. 
~~gia~~
Lots of love♥,